Home » News » Babae nagbigti

Babae nagbigti

Isang teenager ang natagpuang nagbigti sa tahanan ng kaniyang tiyahin kahapon sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), patay na ng makita ng kaniyang tiyahin na si Sonia Baydal ang kaniyang pamangkin na si Shaniel Matiaong alas-singko ng umaga sa kanilang tahanan sa Finance St., GSIS Village sa Barangay Bahay Toro.

Ayon pa sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) na rumesponde sa tahanan, wala silang nakitang external injuries maliban na lamang sa ligature mark sa leeg ni Matiaong. (Vanne Elaine Terrazola)

comments