Home » Entertainment » Roi goes from ‘astig’ to ‘closeta’

Roi goes from ‘astig’ to ‘closeta’

4roi-vinzon copy

FOR the first time ay gagampanan ng former action star na si Roi Vinzon ang role ng isang closet gay sa bagong sexy comedy series ng GMA-7 na “A1 Ko sa ’Yo.”

Inamin pa ng actor na humingi siya ng acting tips mula sa kanyang co-stars na sina Gardo Versoza at Sef Cadayona na madalas na gumanap na mga bading sa ilang teleserye ng GMA-7.

Malayo raw ito sa ginampanan noon ni Roi na isang homophobic father sa teleserye na “My Husband’s Lover” in 2013.

“Huwag lang dibdibin ng mga tao ang roles ko dahil minsan nakakabaliw,” sabay tawa niya.

“I love the story, saka ‘yung role ko very different from what I’ve done with GMA-7.

“Exciting kasi ang sitcoms at ito ang mga hindi ko nalalabasan pa talaga.

“Sana they will accept me as I am and enjoy the character they’ll see me in.”

Ang advice raw ni Gardo sa kanya ay i-enjoy ang kanyang role at huwag niyang masyadong pag-isipan.

Isipin lang daw nito na ini-entertain niya ang maraming tao sa kakaibang role niya. Mag-create daw siya ng sarili niyang character para maging kampante siya sa pag-arte.

“Sabi nga ni Gardo, madali pa raw ang role ko kasi hindi ko pa kailangang magsuot ng bestida at mag-make-up. Kasi siya, nagawa na raw niya iyon!” tawa pa niya.

“Sinabi rin ni direk Randy (Santiago) sa akin na it’s time to explore new characters in my career.

“Kilala ako ni Randy kasi ilang beses kong nakatrabaho ang daddy niya, si direk Pablo Santiago, sa mga action films.

Kaya alam niya na astig parati ang roles ko.

“Now I need to embrace my new role para na rin sa ikasasaya ng maraming tao and for me to experience a different role and entertain a whole new generation of televiewers,” pagtatapos ni Roi Vinzon. (RUEL J. MENDOZA)

comments