Home » News » Teenager tiklo sa holdap

Teenager tiklo sa holdap

Isang college student ang naholdap ng isang teenager Miyerkules ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Pauwi ang biktima na si Ray Gabriel Prudente, 18, nang tutukan ito ng suspek na si Jason Leynes, 16-anyos, habang naglalakad sa tapat ng Rose Garden Hotel.

Dahil sa takot ay ibinigay ni Prudente ang kaniyang cellphone na nagkakahalaga ng P4,300. Nang bitiwan na ito ng suspek ay humingi ito ng saklolo sa mga residente na agad naming hinabol ang suspek.

Nagktaon naman na rumoronda noon sina Police Officers 1 Joseph Pacio, Schrwyn Florancia at Michael Balce na humabol at nakadakip kay Leynes sa Reposo Street.

Narekober ang cellphone ni Prudente habang dinala naman ang suspek sa Manila Development Social Welfare- Reception and Action Center (MDSW-RAC) kung saan naghihintay ito ng kasong robbery with intimidation na isasampa sa kaniya. (Analou De Vera)

comments