Home » News » 2 Abu Sayyaf arestado

2 Abu Sayyaf arestado

Dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang arestado habang naghahanap umano ng mabibiktima sa Zamboanga City noong Huwebes.

Kinilala ni Zamboanga City police intelligence branch chief Chief Insp. Edilberto M. Alvarez ang mga suspek na sina Alhnur B. Usup, alias “Arab-Arab” at “Arab Puti,” 28, may asawa, pansamantalang naninirahan sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City, at Jamal S. Labuan, 32, may-asawa, ng Muslim village sa Taluksangay, Zamboanga City.

Niraid ng mga pulis ang hideout ng mga suspek sa Barangay San Roque pagkatapos makatanggap ng ulat tungkol sa kahina-hinala nilang kilos pero nakatakas sila. Kaagad na naglatag ng checkpoint ang mga pulis kung saan nahuli ang mga suspek sakay ng motorsiklo. (Nonoy E. Lacson)

comments