Home » News » 2 pulis utas sa ambush

2 pulis utas sa ambush

Dalawang pulis ang namatay samantalang isang sibilyan ang nasugatan sa isang ambush sa Zone 8, Bulan, Sorsogon noong Biyernes.

Kinilala ni Sorsogon Police Provincial Director Senior Supt. Ronaldo Cabral ang mga namatay na sina PO3 Teddy Sacupon at PO2 Efren Villamor Jr. ng Sorsogon Provincial Public Safety Co. at ang nasugatan na si Ruben Herno.

Sinabi ni Cabral na papunta sa Sorsogon City ang biktima sakay ng motorsiklo ng pagbabarilin sila ng tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army na kanilang minamanmanan sa Bulan. Gumanti ng putok ang mga pulis pero sila ay binawian ng buhay dahil sa mga tinamo nilang sugat sa katawan. Nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan si Herno at dinala sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

Narekober ang mga basyo ng bala ng caliber .45 at 9mm na baril at ang service firearms ng dalawang pulis sa lugar.

Tinutugis na ng mga otoridad ang mga suspek. (Niño Luces)

comments