Home » Entertainment » Camille, Rufa Mae wedding set

Camille, Rufa Mae wedding set

Camille Prats

SA January next year ang kasal ni Camille Prats sa non-showbiz fiance niyang si John Yambao. Sa farm sa Batangas na pag-aari ng pamilya Prats ang kanilang kasal.

Si Ogie Alcasid ay nangakong kakanta sa bridal march, kaya sobrang thankful si Camille. Naiyak nga siya sa sobrang tuwa.

Second wedding ito ni Camille. Ang una’y sa namayapa niyang husband na si Anthony Linsangan. Namatay ito a few years ago sa sakit na kanser. May isa silang anak, si Nathan na 5 (or 6?) years old na ngayon.

Samantala, aligagang-aligaga naman ngayon si Rufa Mae Quinto sa paghahanda para sa gaganaping kasal nila ng fiance niyang si Trevor Magallanes. Sa Nov. 25 this year ang kanilang wedding sa isang simbahan somewhere sa Ortigas, Pasig City, ayon kay Rufa.

Aniya , Filipino-Chinese-American ang motif ng kanilang kasal. Si Pepsi Herrera ang designer ng kanyang wedding gown at si Edwin Tan naman ang gagawa ng tuxedo ng kanyang groom.

Hindi pa kumpleto ang listahan ng bubuo ng wedding entourage pero kasama rito sina Ai-Ai de las Alas, Aiko Melendez, Jean Garcia, Cesar Montano, Orly Ilacad at ilang GMA7 executives. Ayon kay Rufa, kakausapin pa nila ’yung ibang principal at secondary sponsors.

Nagpu-food tasting na rin sila para sa handa nila sa reception after ng kanilang wedding. “Baby” at/o “Mahal” ang terms of endearment nila sa isa’t isa, ayon kay Rufa. She is in her mid- (o late?) 30s, samantalang 29 years old ang kanyang fiance.

comments