Home » Entertainment » Kristine Hermosa back to acting

Kristine Hermosa back to acting

BALIK-akting si Kristine Hermosa. Kapuso na siya ngayon at kasama siya sa cast ng upcoming sitcom na pagbibidahan ng father-in-law niyang si Vic Sotto, Ai-Ai de las Alas, Jose Manalo, Jose Bayola at Oyo Sotto.

“Hay, Bahay!” ang pamagat ng sitcom at mapapanood ito this June. Kapalit ito ng “Vampire ang Daddy Ko” na tampok din ang mag-amang Vic at Oyo.

Sana’ y isinama na rin si Pauleen Luna, ang wifey ni Vic sa “Hay, Bahay!” Expect nalang natin na magge-guest si Pauleen sa coming episodes.

Matagal-tagal ding namahinga sa acting si Kristine. Nag-full time wife and mother siya sa mga anak nila ni Oyo. Pregnant siya ngayon sa kanilang 4th baby.

comments