Home » News » Magsasaka dedo sa anak

Magsasaka dedo sa anak

Namatay ang isang 74 taong gulang na magsasaka pagkatapos umanong pagnakawan at pugutan ng ulo ng kanyang anak sa Sitio Migasa, Barangay Capisan, Zamboanga City noong Huwebes.

Kinilala ni Sta. Maria Police Station commander Supt. Haywien Salvado ang biktima na si Cesar Vicente Bernardo.

Natagpuan ang katawan at pugot na ulo ng biktima malapit sa bahay ng suspek na si Roderico G. Bernardo, 40, may asawa, sa Sitio Migasa.

Huling nakitang buhay ang biktima na naglalakad kasama ang suspek patungo sa kanilang sakahan ng umaga. Bago magtanghali, sinabi ng suspek na natagpuan niya ang kanyang ama na patay at pugot ang ulo at nawawala and dala-dala niyang R300,000 na kita ng kanilang sakahan.

Pinuntahan ng mga pulis ang suspek sa kanilang bahay at nakitang duguan ang isang itak na nakasabit sa dingding. Kaagad na inaresto ang suspek pero itinaggi nito ang paratang. (Nonoy E. Lacson)

comments