Home » News » Rodenson Gardonio

Rodenson Gardonio

Bayaning maituturing ang isang jeepney driver nang habulin nito ang isang snatcher ng isa sa kaniyang pasahero Miyerkules ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Hinabol ng driver na si Allan Diosay, 31 anyos, ang snatcher na si Jerome Mendoza, 23 anyos, nang tangayin nito ang Alcatel pixi tablet ni Jane Francisco, 29 anyos, at isang sales associate.

Nangyari ang pagtangay ng tablet sa kanto ng A. Mendoza at P. Campa Sts. kung saan hinabol at nadakip ng driver ang snatcher. Bukod sa narekober na tablet na nagkakahalaga ng P2,500 ay isang six-inch retractable knife ang nakuha kay Mendoza.

Kasalukuyang nakakulong sa Manila Police District Station 4 si Mendoza habang inihahanda ang kasong robbery sa isasampa sa Manila Prosecutor’s Office. (Analou de Vera)

comments