Home » Entertainment » Winwyn lucky charm ni Mark

Winwyn lucky charm ni Mark

Mark and Winwyn

MALAPIT na i-release ang 3rd album (“Seizing the Light”) ni Julie Anne San Jose under GMA Records. Ayon kay Julie Anne, nag-mature na siya bilang singer dahil ang mga kantang nakapaloob ay nag-evolve na ang genre.

“It’s different, kasi ’yung mga nauna kong albums, medyo ballad. At saka dito sa 3rd album ko, may composition ako.

Excited ako talaga. May new songs mula sa iba’t ibang composers,” sambit ni Julie Anne.

By the way, si Julie Anne ang kumanta ng plug para sa 66th anniversary offerings ng GMA Network. “Buhos ng PaGMAmahal” ang title ng jingle.

Ani Julie Anne, “Nu’ng first time kong marinig ang jingle, na-excite ako. It was fun being part of the project.

Masaya ’yung song. Mahu-hook ang mga tao. Very catchy ang lyrics at masaya ang tono.”

Ang anniversary offerings ng GMA ay “A1 Ko sa ’Yo,” “Hay, Bahay!”, “Conan, My Beautician,” “Sa Piling ni Nanay” at “Encantadia.”

Lucky charm

Mukhang lucky charm ni Mark Herras ang girlfriend niyang si Winwyn Marquez. Sunud-sunod ang projects niya sa GMA7. May guestings pa siya sa iba’t ibang Kapuso programs.

Dalawa ang upcoming shows ni Mark sa GMA, “Conan, My Beautician” at “Sa Piling ni Nanay.” Nasa title role si Mark sa “Conan, My Beautician,” kaya sobrang happy siya sa ibinigay na pagkakataon sa kanya ng GMA.

“Thankful ako sa patuloy na pagtitiwala nila sa akin,” ani Mark.

Kasama niya sa “Conan, My Beautician” si Megan Young, Ms. World 2013. “Starstruck” Batch 1 si Mark at siya ang Ultimate Male Survivor.

Batch 2 naman si Megan na siyang Starstruck Avenger. First time nila ni Mark magkatrabaho sa isang TV series.

Sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili na “Starstruck” batchmates ni Mark ang mga kasama niya sa “Sa Piling ni Nanay.”

Huling teleserye niya ang “My Little Nanay” with Kris Bernal and Winwyn Marquez. Ano naman kaya ang bagong TV show ni Winwyn sa GMA7?

Kamakailan ay magkasama sila ni Mark na nagbakasyon sa Hong Kong. First trip nila ’yun together at lovey dovey sila roon. Sabi ni Mark, nag-iipon siya dahil in two years time ay gusto na niyang pakasalan si Winwyn.

“Ayoko naman ’yung magpapakasal kami, tapos hindi ko naman pala kaya mag-suporta ng pamilya,” he said.

Excited

Excited ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na makita ang una nilang anak. Base sa ginawang ultrasound kay Iya, baby boy ang ipapanganak niya a few months from now.

Kamakailan ay nagpunta sa Hong Kong sina Drew at Iya. Namili sila ng mga kagamitan para sa kanilang baby.

Parati rin silang uma-attend ng mga seminar tungkol sa breastfeeding. Ani Iya, marami siyang natututunan na maa-apply niya kapag nag-breastfeed siya sa kanyang baby.

Ang iba pang showbiz expectant moms ay sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Kristine Hermosa.

comments