Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 28 lalaki talo sa 1 Koreano

28 lalaki talo sa 1 Koreano

Bugbog ang inabot ng 28 lalaking residente nang labanan sila ng isang Koreano na nanghipo umano ng may asawang babae sa Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila noong Sabado.

Ayon sa imbestigasyon, biglang dumating ang suspek na si Kyung Tack, 44, nakatira sa Nueva Ecija, at hinipuan ang biktima. Hinarap at humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang asawa ng biktima.

Pero nanlaban ang suspek at ginamit ang kanyang nalalaman sa martial arts upang matalo ang mahigit 20 lalaking dumating para tumulong. Nagtamo ng pasa ang mga lalaki kasama na ang asawa ng biktima. Tumigil lamang ang suspek ng dumating ang mga pulis at sumuko ng matiwasay. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments