Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » Airman pinaslang sa Laguna

Airman pinaslang sa Laguna

STA.ROSA, Laguna – Patay ang isang Air Force sergeant nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Barangay Don San Jose, Sabado ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sgt. Elmer N. Lonzaga, 47, nakatira sa Laguna Bel Air, Barangay Don Jose.

Ayon sa police report, ang biktima at ang kanyang asawa ay bumibiyahe sakay ng Subaru car (HW 3120) nang barilin siya ng mga suspek habang nakahinto sa stop light.

Isinugod si Lonzaga sa Southern Luzon Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival. Mabilis na tumakas ang mga salarin patungong Tagaytay pagkatapos ng pamamaril. Ayon sa mga pulis, patuloy nilang iniimbestigatan ang insidente para malaman ang motibo ng pagpatay sa biktima. (Danny J. Estacio)

comments