Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Apartment nasunog sa QC

Apartment nasunog sa QC

Tinatayang nasa P120,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa isang sunog na tumupok sa isang apartment sa Quezon City noong Sabado. Dalawang katao naman naiulat na nahilo at ginamot ng makalanghap ng usok mula sa sunog.

Kinilala ni Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, ang mga biktima na sina Joseph Malayao, 36, at Manuel Malayao, 73.

Nagsimula ang sunog sa apartment sa Petronia St., Barangay Nova Proper, na pagmamayari ni Carlos Reyes sa terrace na ginawang kusina sa unit na inuupahan ni Joel Peradilla. Tumagas na Liquefied Petroleum Gas ang nakitang sanhi ng sunog na umabot sa fourth alarm. (Francis T. Wakefield)

comments