Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Drug pusher dedo sa Manila

Drug pusher dedo sa Manila

Patay ang isang hinihinalang drug pusher sa isang insidente ng pamamaril sa Baseco Compound, Tondo, Manila noong Biyernes.

Ayon kay PO3 Michael G. Maragun, may hawak ng kaso, sinundo ang biktimang si Ariel Arellano, 34, ng Block 9 Extension, Baseco Compound, Port Area, Tondo, ng isang lalaking kilala lamang sa pangalang Lucky.

Nakarinig ng mga putok ng baril ang kinakasama ng biktima pagkaraan ng ilang minuto at nakita na lamang niya si Arellano na nakahandusay sa kalye malapit sa kanilang bahay.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na kaagad nitong ikinamatay. (Analou de Vera)

comments