Home » Entertainment » Karla defends son Daniel in walkout issue

Karla defends son Daniel in walkout issue

By GLEN P. SIBONGA

KARLA Estrada

KARLA Estrada

Pinabulaanan ni Karla Estrada na nag-walkout ang anak niyang si Daniel Padilla sa show nito sa Ilagan City kamakailan, matapos bastusin at umano’y senyasan ng dirty finger ng ilang bashers at nanggugulo sa audience.

“It is not true. Tinapos niya iyong show. Kumanta siya nang maayos kasi bale wala naman iyon,” sabi ni Karla sa interview ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News.

Natural lang daw na ipagtanggol ni Karla ang anak. “Bilang nanay, automatic sa iyo na ipagtatanggol mo ang anak mo pero hangga’t okay si Daniel, hangga’t relaxed lang siya, hangga’t ayaw niyang patulan ang lahat ng ito, e okay lang ako,” ayon pa sa “Magandang Buhay” host.

Hindi raw talaga maiwasan sa isang show na may ilan na pipiliing manggulo at mang-inis para mapansin. Kahit nga raw si Karla ay nakaranas na ng ganito.

“Sa aming mga artista, nakaka-experience talaga kami ng ganun. Ako nga sa edad kong ito, mayroon pa ngang (nambabastos)… hindi mo naman kasi mapipigilan. Iba-ibang timpla, iba-iba ang tao pero siyempre ingat lang tayo. Lahat kasi ng hindi natin ginagawang maganda, may balik iyan sa iyo.”

comments