Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » NPA hinihikayat na sumuko na

NPA hinihikayat na sumuko na

BUTUAN CITY – Hinihikayat ng military and mga miyembro ng New People’s Army sa Mindanao na sumuko na at makinabang sa pangkapayapaan at pangkabuhayang proyekto ng gobyerno.

Sa magkahiwalay na pahayag na ipinalabas ng Police Regional Office 13 (PRO 13) at Northeastern at Northern Mindanao 4th Infantry (Diamond) Division (4th ID) ng Philippine Army, tiniyak nila na mga miyembro ng NPA na magbabalik loob sa gobyerno ay makakatanggap ng tulong pinansiyal kapalit ng kanilang mga isusukong armas sa ilalim ng “Balik Baril Bayad Agad” program.

Bukod dito, makakatanggap din sila ng livelihood support mula sa national and local government units. Ginawa ni Chief Supt. Rolando B. Felix, director of PRO 13; at Maj. Gen. Benjamin R. Madrigal, commanding general ng 4th ID, ang panawagan matapos na madakip ang tatlong NPA commanders sa kabundukan ng Barangay Tungao noong Hunyo 2. (Mike U. Crismundo)

comments