Home » News » 6 bahay natupok sa sunog

6 bahay natupok sa sunog

Anim na bahay ang natupok samantalang tinatayang P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa isang sunog sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, nagsimula ang sunog ng 12:02 p.m. sa bahay na pagmamayari ni Jose Niel Castro, 46, sa Katipunan, Kaliwa, Barangay Bagbag.

Agad na kumalat ang apoy sa limang bahay na gawa sa light at mixed materials. Naapula ang sunog bago mag-1 p.m.

Walang naiulat na namatay o nasaktan pero walong pamilya ang apektado ng sunog. Hinihinalang faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog. (Francis T. Wakefield)

comments