Home » News » Babae patay sa hit-and-run

Babae patay sa hit-and-run

Patay ang isang 38-taong gulang na babae nang masagasaan siya ng tricycle sa Gabaldon, Nueva Ecija, nitong Liniggo ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay SP01 Ronan P, Garcia, may hawak ng kaso, naglalakad ang biktimang si Mariafe Dulay Cuaresma sa gilid ng national highway sa Purok 7, Barangay Pantoc, Gabaldon, nang mahagip ng isang humahagibis na tricycle mula sa kanyang likuran bandang 7:40 p.m.

Hinabol ng asawa ng biktima na si Marlo ang tumakas na tricycle driver ngunit hindi niya ito inabutan. Isinugod ng ilang kapitbahay ang babae sa Gabaldon Medicare Community Hospital ngunit binawian din siya ng buhay dahil sa tinamong matinding pinasala sa ulo. Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang driver ng tricycle. (Franco G. Regala)

comments