Home » Entertainment » Betong hoping to get married at 40

Betong hoping to get married at 40

7betong copy

Hangad ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya na magkaroon na siya ng girlfriend before he turns 40 years old. Panahon din upang makapag-asawa na siya.

Kuwento pa ng 35-year old comedian-TV host na marami na ang nagsasabing manligaw na raw siya, pero ang priority ni Betong ay ang kanyang obligasyon sa kanyang pamilya.

“May mga kailangan tayong isakripisyo sa buhay natin.

“Sa tinatakbo ng buhay ko ngayon, mahirap ibalanse ang trabaho at ang personal kong buhay.

“Oo kailangan ko rin ng inspirasyon, pero bread winner tayo, eh. Mas kailangan kong unahin ang mga pangangailangan ng pamilyako.

“Nag-promise kasi ako sa tatay ko na ako ang bahala sa pamilya namin. Ako ang aayos sa buhay namin.

“Kapag 100% na bayad na lahat ng utang namin, baka sakali puwede konang asikasuhin ang sa riliko,” ngiti pa ni Betong.

Dahil mas inuuna ni Betong ang kanyang pamilya kaya naman sunud-sunod ang mga blessings sa kanya.

Siya na nga siguro ang pinaka-busy na comedian ng Kapuso Network dahil bukod sa pag-host niya ng Laff, Camera, Action ay napapanood pa siya sa gag show na “Bubble Gang,” sa cooking show na “Dishkarte of the Day” at sa infotainment show na “Ang Pinaka.”

Isama pa rito ang parating pagpunta abroad ni Betong para aliwin ang mga kababayan natin via GMA Pinoy TV.

Tinanong nga si Betong kung may pakiramdam ba siya na may mga naiinggit sa kanya dahil sa rami ng trabaho niya sa GMA-7?

“Pinagdarasal ko na walang mga mainggit sa akin dahil pare-pareho naman kaming may mga trabaho sa GMA-7.

“Kung may bagong trabaho man ako, pinapasalamat ko iyon kay Lord kasi pinagkatiwalaanako.

“May time naman din noon nawala akong regular show. Pasingit-singit lang ako noon.

“Kaya noong dumating ang mga blessings sa akin after kong manalo sa Survivor Philippines in 2011, tinuring ko na iyon na malaking pagbabago sabuhay ko. (RUEL J. MENDOZA)

comments
  • ckaha

    PAANO NAMAN MAG AASAWA YAN E BINABAE SYA HUH,

    • Maraming bakla na piniling magkaroon ng asawa at mga anak at mas responsable pa nga sila sa asawa nila at mga anak nila kaysa sa tunay na lalaki. Its a matter of choice after all.