Home » Entertainment » Derek works hard to push TV5 against all odds

Derek works hard to push TV5 against all odds

7Derek Ramsay copy copy

Imposible raw may mag-offer sa TV5 star na si Derek Ramsay na lumipat sa ibang TV network dahil may existing contract pa siya sa Kapatid network.

Tatlong taon ang pinirmahang contract ni Derek sa TV5 noong isang taon.

“May existing contract pa ako. I still have two more years with them, ”sabi ni Derek.

Sa ngayon, nakatuon daw ang pansin niya para matulungan ang TV5.

“You know, I’m continuing to work hard to help TV5 get bigger and better. Mahirap’ yung trabaho namin pero hindi pa rin kami gumi-give up. We still believe that we can make the network compete against the other bigger networks. So, konting tiyaga lang, konting patience, konting sacrifice, magagawa rin namin iyon.”

Marami kasi ang nag-akala nabaka bumalik si Derek sa ABS-CBN lalo na nang magkaayos sila ng Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network, at nakagawa pa siya ng pelikula rito last year, ang “Ex With Benefits” with Coleen Garcia.

Happy lang si Derek na okay na sila ng Star Cinema. May bagong pelikula nga raw ino-offer sa kanya ang Star Cinema at kasalukuyan niyang binabasa ang script nito.

Sino ang makakasama niya sa pelikulang ito? “Si Sam Milby at si Arci Muñoz. Medyo kakaiba ’yung role ko, gay ako.

Well, tinataposko pa ’yung pagbasa ng script and then mag-uusap kami.”

May isang pelikula raw siyang ginagawa ngayon sa ilalim naman ng Regal Entertainment, kung saan kasama niya sina Lovi Poe at Christopher de Leon. “Isa akong escort dito. And then mag-uumpisa ako ng sarili kong escort service and si Lovi yung magiging escort ko.’’ (GLEN P. SIBONGA)

comments