Home » News » Driver natagpuang patay

Driver natagpuang patay

Natagpuang patay ang isang 45 anyos na driver sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Aldrin Sergio, may asawa, ng Barangay Commonwealth, Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Christelle na nakabitin sa isang wooden baluster sa silid ng biktima at may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg.

Agad na ipinagbigay alam ni Christelle ang insidente sa barangay. Walang nakitang anumang bali sa katawan maliban sa ligature mark sa kanyang leeg.

Dinala ang labi ng biktima sa Pacheco Funeral Homes. Iniimbestigahan na ng Homicide Section ng QCPD-CIDU ang insidente. (Francis T. Wakefield)

comments