Home » Entertainment » Jessy, bagong love ni Luis

Jessy, bagong love ni Luis

JANINE Gutierrez and Aljur Abrenica

VERY much together sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Pero dapat kayang kabahan si Elmo kay Aljur Abrenica? May pahayag ang huli na kapag nagustuhan niya ang isang girl ay liligawan niya kahit alam niyang may boyfriend ito.

Magkasama sina Aljur at Janine sa “Once Again” at kinakitaan ng malakas na screen chemistry ang dalawa. Maganda ang kanilang working relationship at ani Aljur, masarap, masaya at magaan katrabaho si Janine.

“Ka-in love, in love,” anang Kapuso hunk. “She’s very kind-hearted, masarap kausap. Thankful ako na nagging friends kami.”

Asked kung nadi-develop na ba siya kay Janine, “Hindi pa,” ani Aljur. Basta, I’m comfortable with her.”

Pero iba ang nakarating na balita sa amin. Ayaw pa lang aminin ni Aljur, pero mukhang nai-in love (or in love) na siya kay Janine.

May pahayag naman si Janine na enjoy siyang katrabaho si Aljur. “Makulit pa rin. Pero masarap, masaya siyang kausap,” sambit ni Janine. Hindi kaya style lang ni Aljur ’yung pangungulit niya para mahulog ang loob ni Janine sa kanya? Whatever!

First screen kiss

First screen kiss ni Thea Tolentino si Aljur Abrenica. She plays Celeste in “Once Again” at boyfriend niya si Aljur (Aldrin). Kuwento ni Thea, isang oras siya hindi naka-get over matapos kunan ang kanilang kissing scene.

“Meron kaming framing sa set para hindi kami lumampas sa kamera. Pag kiss ko sa kanya, lumampas ako. Parang sa isang segundo, marami akong naramdaman. Parang gusto kong mahimatay, parang gusto kong maiyak, and all that after kaming mag-kiss. Sobrang kaba ko talaga,” lahad ni Thea.

Sobrang bad girl ang karakter niya bilang Celeste at ani Thea, sana raw ay maintindihan ng fans ni Janine na trabaho lang ang pagmamaldita niya rito. On camera, kagalit-galit talaga si Thea. But-off camera, kabaligtaran ang ugali niya. Mabait, shy type at soft-spoken si Thea sa tunay na buhay.

Affected?

How true affected daw si Angel Locsin sa pagkakamabutihan ngayon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola? Nakarating na raw kay Angel ang balitang nakita ang kanyang ex-boyfriend at si Jessy together sa Shangri-La. Diumano’y na-hurt si Angel.

Ibig bang sabihin, hindi pa nakaka-move on si Angel sa hiwalayan nila ni Luis? Ang masakit pa’y si Luis ang nakipag-break kay Angel. Sa mga ex-GFs ni Manzano ay siya ang parating nakikipag-break. Why kaya, Mr. Heartbreaker?

Matatandaang naging tagapagtanggol ni Jessy si Luis sa insidenteng kinasangkutan niya at ni Enrique Gil. Lasing diumano si Enrique at mukhang napag-“tripan” niya si Jessy.

That time, si JM de Guzman pa ang boyfriend ni Jessy at si Angel ang girlfriend ni Luis. Sino’ng mag-aakalang a year or so after that incident ay sina Luis at Jessy naman ang magiging “item” ngayon?

Bukod sa sinasabing si Jessy ang bagong apple of the eye ni Luis, pinag-uusapan din ang revelation ni Keanna Reeves sa diumano’y sexual encounter nila ni Manzano.

Interesado

Sino kaya kina Robin Padilla, Phillip Salvador at George “ER” Ejercito ang makakakumbinse kay president-elect Rodrigo Duterte na isapelikula ang buhay nito?

Madalas daw ngayon magpunta sa Davao ang tatlo dahil diumano’y interesado silang gampanan ang karakter ni Digong sa biopic nito.

Makulay ang buhay ni president-elect Duterte at maganda nga naming isapelikula ang kanyang life story.

Ang anak naman ni president-elect Digong na si Baste Duterte ay instant celebrity. Laman siya ng mga babasahin at marami ang nagsasabing pwede siyang mag-artista. Pwede ring karirin ni Baste ang pagiging singer dahil rakista siya.

’Heard, interesado si Annabelle Rama i-manage si Baste. Tingnan natin kung magiging effective ang convincing power ni Annabelle na pasukin ni Baste ang showbiz.

Kapag nagkataon, isa na namang presidential son ang nasa showbiz. Remember Mickey Arroyo? Nag-showbiz siya noong naging president ang mother niyang si Gloria Macapagal-Arroyo. Naging presidential daughter naman si Kris Aquino noong naging president ang mommy niyang si Corazon Aquino.

Outgoing presidential sister si Kris sa pagbaba sa puwesto ng kapatid niyang outgoing president na si Noynoy Aquino.

comments