Home » News » Paslit hinalay sa QC

Paslit hinalay sa QC

Bagsak sa piitan ang isang 56 taong gulang na lalaki na humalay umano sa isang apat na taong gulang na babae sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 9, nasa labas ng bahay ang ina ng biktima ng marinig nitong sumisigaw ang kanyang anak sa loob ng bahay ng suspect. Agad na pinasok ng ina ang bahay ng suspect at nakitang nagaayos ng leggings ang kanyang anak.

Tinanong ng ina kung ano ang nangyari sa anak at sinabi nitong nilamas at dinilaan ang kanyang maselang bahagi ng suspect.

Agad na nagreklamo sa barangay ang ina at nahuli ang suspect na dinala sa QCPD Station 9. Hawak ng Women and Children Protection Desk ng QCPD Station 9 ang kaso. (Francis T. Wakefield)

comments