Home » News » 2 lalaki nagbigti sa Bataan

2 lalaki nagbigti sa Bataan

CAMP TOLENTINO, Bataan – Nagpakamatay ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng pagbigti sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito kamakailan.

Ayon kay Supt. Crizalde Conde, Mariveles police chief, nagbigti ang biktimang si Marvin Andalion, 33, ng Sitio Gatchalian, Barangay Cabcaben, Mariveles, sa rooftop ng libingan ng isang Maximo Bagtas, gamit ang plastic na lubid.

Natagpuan ang kanyang bangkay ng isang Ace Andalion na kaagad naman tumawag sa pulis para ipagbigay-alam ang kanyang nakita.

Sinabi ni Conde na bago ang pagpapakamatay, naharap sa matinding problemang pampamilya ang biktima. Sa bayan ng Dinalupihan naman, nagbigti rin ang isang Angelito Regala, 40, ng Sta. Isabel, gamit ang nylon rope sa loob ng kanyang tahanan.

Ayon sa anak ng biktima na si Jomar, dumanas ng depresyon ang kanyang ama dahil din sa problema sa pamilya. (Mar T. Supnad)

comments