Home » News » Batang nalunod natagpuan

Batang nalunod natagpuan

Natagpuan na ng rescuers ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang bangkay ng batang babae na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa isang resorts sa Majayjay, Laguna.

Sa report ng PCG kahapon, na-recover ng search and rescue (SAR) team ang bangkay ni Cristine Altea Alimania bandang 9:40 a.m. sa Balanac River.

Si Alimania ay isa sa tatlong tao na nawala matapos tangayin ng flash flood na naganap sa resort sa Barangay Ilayang Banga.

Ang dalawa pang biktima ay sina Vanessa Carillo, residente ng Cavite, at ama ni Cristine na si Bryan Alimania. Patuloy pa rin silang pinaghahanap ng rescuers. Ibinigay na ng PCG ang bankay ng bata sa kanyang ina. (Raymund F. Antonio)

comments