Home » Entertainment » Dennis at Jennylyn break na?

Dennis at Jennylyn break na?

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

WALA namang inamin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkabalikan sila, pero hayan at balitang diumano’y break na sila.

Magkasama lang sila kamakailan sa Maldives kung saan nag-celebrate sila ng kanilang birthdays (May 12 si Dennis, May 15 naman si Jen). Post pa nila sa kanilang respective social media accounts na most memorable birthday celebration ever nila ’yun.

From the grapevine, diumano’y parehong may mood swings sina Dennis at Jen, kaya nag-break sila. May isa pang tsikang diumano’y parehong career ang kanilang priority. Nakipag-break daw si Jen kay Dennis dahil gusto raw diumano ng aktres na mag-Number One pa rin sa 2016 FHM’s Sexiest Pinay Women. Parang ang babaw naman.

Sa partial results ng online poll, nangunguna si Nadine Lustre, pangalawa lang si Jen. Sa June 15 magtatapos ang poll at dapat magsipag ang fans ni Jen sa pagboto kung gusto nilang mag-Number One muli ang kanilang idolo. Last year ay si Jen ang Number One FHM’s Pinay Sexiest.

Sa parte naman ni Dennis, gusto raw ng kanyang female fans na wala siyang girlfriend dahil nababawasan ang pantasaya nila. May gano’ng factor? Di ba matatalino na ngayon ang fans? Tanggap nila kung sino ang real-life partner ng kanilang idolo.

Friends pa rin kaya?

Nu’ng campaign period sa nakaraang May 9 elections, tahimik lang si Vice Ganda kung sino ang kanyang presidential bet. Nabuking na si president-elect Rodrigo Duterte pala ang kanyang sinuportahan. ’Andun si Vice sa thanksgiving party ni Duterte sa Davao City. Hindi lang siya nakapag-perform dahil nawalan ng kuryente sa lakas ng ulan.

Nangako si Vice na babalik siya sa Davao para sa isang free concert. Just curious, ano kaya’ng feeling ni Kris Aquino na ang tinatawag niyang “asawa’y” hindi pala ang sinuportahan niyang si Mar Roxas ang presidential bet?

Maapektuhan kaya ang friendship nina Kris at Vice dahil magkaibang presidentiables ang kanilang sinuportahan?

Isa pang tanong, bakit kaya wala sina Robin Padilla, Mocha, Aiza Seguerra and “wife” Liza Dino sa thanksgiving party ni Duterte? What about Phillip Salvador and George “ER” Ejercito? Prior sa ginanap na event ay madalas silang nagpupunta sa Davao.

Tutol ang parents

Singing ang first love ni Timmy Cruz at naging signature song niya ang “Boy.” Muli naming napakinggan ang maganda niyang boses noong nag-guest siya sa “Moments,” hosted by Gladys Reyes sa Net 25. Umindak-indak pa si Timmy sa kanyang solo song (di naming alam ang title) at nag-duet pa sila ni Gladys ng “Boy.”

Sa panayam ni Gladys, naikuwento ni Timmy na gumawa muna siya ng commercial para sa isang brand ng shampoo. Naging stepping stone niya ’yun sa pangarap niyang maging singer.

“Naisip ko kasing dapat makita muna ako sa TV para may recall,” ani Timmy.

Matapos lumabas ang kanyang TVC, tumawag siya sa Vicor Music Corporation. Sinabi niyang siya ’yung babaeng napapanood sa isang shampoo commercial at gusto niyang maging singer. Agad siyang pinapunta sa opisina ng Vicor at sinubukan siyang pakantahin. That was it! Kinuha siyang recording artist.

Ayon kay Timmy, tutol ang parents niyang maging singer siya. Graduate siya ng Banking and Finance sa University of the Philippines. Vice president siya noon sa isang savings bank sa Bulacan na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nag-leave siya sa kanyang trabaho para subukan ang pangarap niyang maging singer.

Aniya, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng parents niya dahil sa ginawa niya. Nagdesisyon siyang humiwalay ng tirahan. Eventually, natanggap na rin ng parents niya ang hilig niya sa pagkanta.

Maria Fatima Angel Cruz ang real name ni Timmy at pang-apat siya sa anim na magkakapatid, two boys, four girls.

Napapanood si Timmy sa “Once Again” kung saan gumaganap siya bilang ina nina Aljur Abrenica at Jeric Gonzales.

Puring-puri niya ang mga ito, pati sina Janine Gutierrez at Thea Tolentino. Ani Timmy, wala siyang problema working with them dahil marespeto ang mga ito sa senior stars like her (Timmy) at professional sa trabaho.

Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Once Again.” Nagkita-kita na sina Aldrin (Aljur), Lukas (Joko Diaz) at Des (Janine). Mas gagrabe ang pagmamaldita ni Celeste (Thea) kay Des dahil makikipag-break sa kanya si Aldrin.

Hugot lines

Samahan ngayong morning sina Tessie Tomas, Maricris Garcia at Mackie Cao (ng Just Duets ng “Eat Bulaga”) sa isa na naming magandang talakayan sa “Yan ang Morning.” Isyu tungkol sa mga pusong wagi at pusong sawi na may kasamang hugot sa buhay.

Tutok lang sa YAM, hosted by Marian Rivera with Boobay as co-host. Sa GMA7 ito at 9:30 a.m.

comments