Home » Entertainment » Jennica gives up TV work for baby

Jennica gives up TV work for baby

Jennica Garcia

MAHIGIT na isang taon nang hindi active sa showbiz ang anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia.

After nitong ikasal sa actor na si Alwyn Uytingco at manganak sa baby nilang si Athena Mori last year, mas naging abala si Jennica sa pagiging hands-on mom at hindi muna nagpapakita ng interes na balikan ang showbiz.

Noong nakaraang May 27 ay naglabas ng kanyang masayang emotions si Jennica bilang ina at ibinahagi niya ito sa kanyang followers sa Instagram.

Ang pinost ni Jennica ay ang kanyang happiness bilang isang ina. Na walang makakapantay sa kaligayahan niya ngayon dahil may sarili na siyang pamilyang buo at nagsusuportahan sila ng kanyang mister na si Alwyn. Heto ang pinost ni Jennica:

“Tweaked my blog layout a little bit and changed a photo that used to consist of just me and my husband, Alwyn.

“I got all emotional upon doing so since I replaced it with this photo of the three of us.

“I grew up in a broken family that is why I am so thankful to our Creator because He has given me what I always wanted as a child… A family of my own.”

Ayon pa sa ina ni Jennica na si Jean Garcia ay enjoy na enjoy ang kanyang anak sa pagiging ina kaya mukhang hindi pa ito magbabalik-trabaho sa TV.

Wala naman daw problema dahil all-out ang suporta ni Jean sa mag-asawa. Lagi raw niyang pinagdarasal ang dalawa na maging matatag at laging magmahalan dahil meron na silang anak.

“Nakakatuwa silang dalawa dahil pareho silang hands-on parents sa apo ko.

“Kapag wala si Jen, si Alwyn ang tagapag-alaga and vice versa.

“Nakakatuwa lang silang tingnan kasi totoong-totoo ang mga ginagawa nila at hindi bahay-bahayan lang,” ngiti pa ni Jean.

At bilang proud lola ni Mori, mahal na mahal nga ni Jean ang kanyang unang apo at ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na nila ang magiging first birthday nito sa July. (RUEL J. MENDOZA)

comments