Home » News » Lalaking may TB, nakitang patay

Lalaking may TB, nakitang patay

Isang 47-anyos na lalaki na hinihinalang may sakit na Tuberculosis ang natagpuang patay sa tapat ng National Library Lunes ng gabi sa Ermita, Manila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jojhie Villaber, walang trabaho at sinasabing madalas na pagala-gala sa parehong lugar.

Ayon sa common-law-wife ng biktima, ilang buwan nang iniinda ng biktima ang sakit nito. Nagreklamo umano ng pananakit ng tiyan ang biktima ilang oras bago ito natagpuang nakahandusay at walang malay Lunes ng gabi.

Sa kabila nito ay sasailalim pa din sa autopsy ang bangkay ni Villaber.

comments