Home » News » Mag-asawa arestado sa droga

Mag-asawa arestado sa droga

Arestado ang isang Nigerian at asawa nito matapos mahulihan ng P500,000 na halaga ng shabu sa isang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Balut, Tondo sa Maynila.

Kinilala ni District Anti-Illegal Drugs (DAID) head Police Chief Inspector Francisco A. Vargas ang mga suspek na sina Onyinyechukwu John Aneke, 33-anyos at asawa nito na si Lorena Ang alias Aneke Garabiles.

Ayon kay Vargas, tiklo ang mga suspek na ang modus ay magtago ng droga sa loob ng container ng facial cream na markado naman na gawa sa Thailand ngunit napag-alaman na galing ang mga ito sa China.

Nakuha sa mga mag-asawang suspek ang 16 piraso ng facial creams na may brand na “AA Arche” kung saan ang bawat isa ay may nakapaloob na sachet ng shabu, marked money na nagkakahalaga ng P5,500 at dalawang Nigerian national identification cards na may pangalan na Onyinyechukwu John Aneke at Onyinyechukwu Aneke.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

comments