Home » Entertainment » Elmo, Janella bond quickly in Japan

Elmo, Janella bond quickly in Japan

Janella Salvador and Elmo Magalona

Marami raw nadiskubreng common sa isa’t isa sina Elmo Magalona at Janella Salvador nang mag-taping sila ng ilang linggo sa Japan para sa pinagbibidahan nilang ABS-CBN teleseryeng “Born For You.”

Ayon kay Elmo, “Na-discover ko na me and Janella both love Japanese food. So, pagdating namin doon kain kami nang kain talaga. And we both love pets, so when we had free time we looked for pet stores sa Japan. Nagtingin kami ng mga dogs and cats na usually makikita lang sa Japan.”

Hindi nga raw ine-expect ni Janella noong una na mabilis silang magiging close ni Elmo. “Noong una po kaming nagka-kilala kinabahan ako kasi, ‘Hala, pareho kaming quiet. ’Pero noong nagkausap na kami nang matagal, lalo na po sa Japan nagka-bonding kami, marami kaming mga bagay na napagkasunduan like food, animals, and pareho kaming mabilis makatulog. I don’t expect na magiging close kami nang ganito agad. After Japan sobrang naging close na kami,” ani Janella.

Nagkasundo rin pagdating sa musika sina Elmo at Janella dahil bukod sa pagiging mga artista ay pareho rin silang kumakanta. Idagdag pa na pareho silang galing sa pamilya ng mga mang-aawit. Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, habang ang parents naman ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador ay pareho ring singers.

Natutuwa nga ang bagong Kapamilya loveteam dahil musically inclined din ang characters nila sa “Born For You” na sina Kevin Sebastian at Sam Kazuko.

Ang “Born For You” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa June 20.
(Glen P. Sibonga)

comments