Home » News » Kawani ng pamahalaan natagpuang patay sa QC

Kawani ng pamahalaan natagpuang patay sa QC

Natagpuang patay ang isang kawani ng pamahalaan sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Lunes. Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Geraldino Inigo, 55, residente ng Santan St., Barangay Payatas A.

Ayon sa imbestigasyon, napansin ng pamangkin ng biktima na si Francis Medina na hindi lumalabas sa kanyang silid ang kanyang tiyuhin.

Kinatok ni Medina ang silid ng biktima pero hindi siya pinagbuksan. Dahil dito, tinawag niya ang anak ng biktima at tinawag ulit nila ito.

Hindi pa rin sumasagot ang biktima, dahilan upang sirain ang pinto at nakita nila itong nakahiga sa kanyang kama at naagnas na. Dinala ang bangkay ng biktima sa Tajuna Funeral Homes upang suriin.

Hinala ng mga pulis na namatay sa atake sa puso ang biktima. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments