Home » Entertainment » Ken fulfilled clinching an exclusive contract

Ken fulfilled clinching an exclusive contract

Ken Chan

NAGBUNGA na ang pagtitiyaga ng Kapuso actor na si Ken Chan dahil pagkatapos niyang magbida sa teleseryeng “Destiny Rose,” nabigyan siya ng two-year exclusive contract ng GMA-7.

Hindi nga makapaniwala si Ken na isa na siyang maituturing na exclusive artist ng Kapuso Network.

“Pagnaglu-look back ako sa mga nangyari sa ’kin from my days in ‘Tween Hearts,’ I’m amazed dahil parang kalahati yata ng buhay ko, nandito sa GMA.

“’Yung buhay ko, talagang dito na tumakbo… at sobrang suwerte ko na dahil sa ‘Destiny Rose’ kung bakit nagtutuloy-tuloy ‘yung mga blessings ko ngayon,” ngiti pa niya.

Malaki nga raw ang utang na loob niya sa yumaong Master Showman at veteran comedian-TV host na si German “Kuya Germs” Moreno na parati siyang pinu-push sa mga magagandang roles sa TV.

Bago nga namaalam si Kuya Germs ay naabutan pa nitong nagbida si Ken sa ‘Destiny Rose.’

Lahat nga raw ng mga bilin at pangaral ni Kuya Germs sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay dala-dala pa rin niya.

“Si Tatay, lagi niyang sinasabi sa ’kin na magtipid, na mahalin ko ‘yung trabaho ko, also my co-workers – hindi lang ‘yung mga artista, kundi pati mga crew members.

“Lahat, pantay-pantay at dapat lahat pakisamahan.

“Higit sa lahat, i-nurture ‘yung passion, ‘yung mahalin ko ‘yung ginagawa ko.

“Sabi niya sa ’kin, ‘Kung papasok ka ng showbiz, kung gusto mong sumikat, huwag mo na lang ituloy kasi for sure, hindi ka magsa-succeed.’ (Ruel J. Mendoza)

comments