Home » News » Lalaki nabundol sa Manila

Lalaki nabundol sa Manila

Nabundol at namatay ang isang lalaki habang tumatawid sa Manila noong Martes. Pinaghahanap na ng mga pulis ang drayber ng sasakyan na nakabundol umano kay Eduardo Soriano, 48, ng Santos St., Barangay Carmona, Makati City.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit, tumatawid ang biktima sa President Quirino Ave. malapit sa Pedro Gil St. ng mabundol siya ng isang rumaragasang sasakyan at gumulong ng ilang beses sa kalye.

Dumating ang rescue unit ng Metropolitan Manila Development Authority na nagdeklarang agad namatay ang biktima nang mabundol ito.

Nanawagan ang MDTEU sa mga saksi na lumapit sa kanila upang mabigyang linaw ang insidente. Humingi na ng kopya ng closed circuit television camera ng barangay sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang MDTEU. (Jenny F. Manongdo)

comments