Home » Entertainment » Mark Herras loves being ‘gay’

Mark Herras loves being ‘gay’

Mark Herras

FOR the first time ay gaganap na isang bading ang Kapuso leading man at “Starstruck 1” Ultimate Male Survivor na si Mark Herras sa bagong comedy series ng GMA-7 titled “Conan, My Beautician.”

Makakasama rito ni Mark si Miss World 2013 Megan Young.

Nagkuwento nga si Mark tungkol sa bagong role na kanyang gagawin para maaliw ang televiewers.

“Ako si Conan, the beautician. Mana ako sa tatay ko na magaling sa paggugupit at barber sa probinsya.

“And then magkakaroon ng twist sa story na magiging beautician ako. Mapipilitan akong magpanggap na gay and then bilang magaling akong maggupit, magagamit ko ‘yung talent doon sa parlor na papasukan ko at mapapabilib ko sila.

“I’m also gonna meet someone na sobrang magiging crush ko which is Megan Young ngunit ang alam niya, parlorista ako.”

Inamin ng actor na hindi siya masyadong confident noon na gumanap sa gay roles. Kaya hindi kataka-takang mahirapan siya.

“Hindi ko alam kung komportable ‘yung masasabi ko sa pagganap kay Conan, pero so far sa mga shoot namin, nagagawako naman ‘yung mga hinihiling nila.

“Natsa-challenge din ako, pero so far I’m enjoying naman.

“It’s a nice opportunity din para hindi rin ako makahon sa isang klase ng karakter at mapakita sa mga tao at sa GMA Network na they can see me doing different roles like this,” ngiti pa niya.

Hindi lang daw kasi tungkol sa pagiging gay ang “Conan, My Beautician” kundi tungkol din ito sa pagmamahal sa sariling pamilya.

“Well siguro nakaka-relate ako kay Conan dahil sa pagmamahal niya sa family, hindi ‘yung sa gay role.

“Yung talagang pag-care niya sa family niya na he’s going to do anything para lang matupad ‘yung mga pangangailangan ng pamilya niya.

“Kahit anong trabaho gagawin niya para kumita siya ng pera to help his family.” (Ruel J. Mendoza)

comments