Home » News » Negosyante ninakawan ng hinihinalang Akyat

Negosyante ninakawan ng hinihinalang Akyat

Ninakawan ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay Gang ang isang negosyante ng R2 million halaga ng ari-arian sa Quezon City noong Martes.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 10 ang biktima na si Arnel Lara, 53, may asawa, ng Scout Chuatoco St., Barangay Roxas District.

Ayon kay Supt. Pedro T. Sanchez, QCPD Station 10 commander, umalis ang biktima ng tanghali kasama ang kanyang pamilya upang dumalo sa pagtatapos ng kanyang anak.

Bumalik sina Lara kinagabihan at nakita nilang bukas ang bahay. Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga otoridad at napag-alamang umakyat sa bakod at sinira ang pinto upang makapasok at magnakaw sa bahay. (Francis T. Wakefield)

comments