Home » News » NPA commander nadakip

NPA commander nadakip

SURIGAO CITY – Nadakip ng mga pulis ang isang commander ng New People’s Army (NPA) sa kanyang inuupahang bahay sa Purok 7, Barangay Ladgaran, Claver, Surigao del Norte, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Chief Supt. Rolando B. Felix, Police Regional Office 13 director, ang nahuling NPA leader na si Jonathan Cadaan Peñaflor, may mga alyas na Jojo Peñaflor, Lurkan at Albert.

Ayon sa police official, si Peñaflor ang commanding officer ng Saangay sa Partido Platoon 21-C, Guerilla-Front Committee 21 ng CPP-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC). Dinakip siya ng 13th Regional Investigation Division Tracker Team at 13th Regional Public Safety Battallion bandang 2 p.m., Lunes, sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Emmanuel E. Escatron ng RTC Branch 30, Surigao City, noong Disyembre 27, 2013. (Mike U. Crismundo)

comments