Home » Entertainment » Ruru, Gabbi ready for bashing from non-fans

Ruru, Gabbi ready for bashing from non-fans

RURU Madrid and Gabbi Garcia

READY na raw ang love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa magiging negative reviews and comments na matatanggap nila kapag nagsimula nang umere ang telefantasya ng GMA-7 na “Encantadia.”

Ang GabRu love team ang siyang gaganap sa role nila Ybarro at Alena na unang ginampanan nila Dingdong Dantes at Karylle in 2005.

Bagama’t may mga positive feedbacks, hindi raw mawawala ang bashers at haters ng kanilang love team.

“After i-announce ’yung cast ng ‘Encantadia,’” trending si Ybarro.

“Actually marami naman pong pumuri, pero siyempre hindi rin natin maiiwasan na may mga mamba-bash kasi siyempre may kanya-kanya po silang bets kung sino ’yung gusto nilang gumanap.

“Sabi ko, sila na lang ’yung maging inspiration ko para mas lalo ko pang pagandahin ’yung sarili ko at mas lalo kong ibigay ’yung best ko para dun sa role na ’yun,” sey pa ni Ruru.

Sey naman ni Gabbi: “Sabi ko nga sa sarili ko, ‘If ever I read negative comments, if the comments are wrong and parang below the belt, just ignore.

“I think their criticisms can count so accept and try to learn from it.

“I look at the bashing part as a boost para mas ma-prove ko pa ’yung sarili ko.”

Imbes na ma-stress sila sa bashers at haters, nagpasalamat nalang ang GabRu love team sa kanila.

“Sa lahat ng bashers, thank you. ’Yung pamba-bash nila, mas nakakatulong sa sarili ko kasi mas lalo kong pino-prove sa kanila na kaya ko.

“’Yung mga bagay na medyo masakit na salita sa akin, parang hindi ko na masyadong iniisip ’yun,” ngiti pa ni Ruru.

At hirit naman ni Gabbi: “Just wait and see, wala pa namang nangyayari about ‘Encantadia,’ I mean it’s just the announcement of the cast. Please give us a chance to give life to their favorite characters.” (RUEL J. MENDOZA)

comments