Home » News » Sundalo binaril sa loob ng kampo

Sundalo binaril sa loob ng kampo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang barilin sila ng kanilang lasing na kasamahan sa loob ng mess hall ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan, nitong Martes.

Kinilala ni Chief Inspector Ramil Alipio ang mga biktima na sina Technical Sergeant Melanio Zalun at Dexter Cristobal, isang CAFGU member, 28. Namatay noon din si Sgt. Zalun samantalang kasalukuyang ginagamot si Cristobal sa isang ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Naglunsad ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek na si Pfc. Ryan Mark Rapat na nagtago matapos ang pamamaril. (Freddie G. Lazaro)

comments