Home » News » Babae pinaslang sa Batangas

Babae pinaslang sa Batangas

SAN PASCUAL, Batangas – Patay ang isang 32-taong gulang na babae nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa beranda ng isang bahay sa Barangay San Antonio ng bayang ito nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Emely C. Basilio, 32, residente ng Lumang Kalye at kasama sa drug personalities list ng Bauan police.

Ayon sa police report, nakatayo ang biktima sa beranda ng bahay ng isang Jericho B. Magbatoc bandang 12:30 p.m. nang lapitan at barilin siya ng maraming beses ng dalawang lalaki.

Dead-on-arrival si Basilo sa Bauan General Hospital. (Danny J. Estacio)

comments