Home » News » Bangkay natagpuang lumulutang sa ilog

Bangkay natagpuang lumulutang sa ilog

Natagpuang lumulutang ang bangkay ng isang lalaki sa Pasig River sa Makati City noong Huwebes.

Ang biktima ay tinatayang nasa 30 hanggang 40 taong gulang, 5’5” hanggang 5’8” ang tangkad, medium built, makapal ang buhok, at may suot na pulang polo shirt at maong pants.

Ayon kay SPO2 Nilo Sadsad ng Makati police homicide section, natagpuan ang bangkay sa Pasig River sa may J.P. Rizal Extension St., Barangay Cembo.

Nagtamo ng sugat sa noo at pisngi ang biktima. Dinala ang bangkay ng biktima sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City.

Inaalam na ng mga pulis kung nahulog ang biktima sa ilog o nagpakamatay. (Anna Liza V. Alavaren)

comments