Home » News » Bata patay sa stray bullet

Bata patay sa stray bullet

REAL, Quezon – Isang 5-taong gulang na batang babae ang namatay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Barangay Llavac ng bayang ito, Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Euziele Abogado, residente ng naturang barangay. Ayon sa imbestigasyon, ang bata ay natagpuan ng kanyang tiyahin na may tama na ng bala sa dibdib.

Kaagad na ipinagbigay alam ng tiyahin ang nangyari sa bata na idineklarang patay na ng idating C.M. Recto District Hospital. Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang insidente para malaman kung saan at kanino nanggaling ang ligaw na bala. (Danny J. Estacio)

comments