Home » News » Kawani ng senador nilooban sa Pasay

Kawani ng senador nilooban sa Pasay

Nabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang isang kawani ni Sen. Francis Joseph G. Escudero noong Miyerkules sa Pasay City.

Tinatayang nasa P77,000 halaga ng ari-arian ang natangay sa loob ng sasakyan ng biktimang si Jahann Kjeld Santillan, 33, ng Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Ayon kay SPO1 Dennis Desalisa, may hawak ng kaso, ipinarada ng biktima ang kanyang sasakyan sa isang gas station sa Macapagal Ave. upang kumain sa isang kalapit na fastfood restaurant.

Bumalik ang biktima sa kanyang sasakyan pagkaraan ng mahigit 30 minuto at nakitang basag ang salamin sa likod at nawawala ang kanyang mga gamit. Kaagad na iniulat ng biktima ang insidente sa mga otoridad. (Martin A. Sadongdong)

comments