Home » Entertainment » Makalat si hubby, malinis si wifey

Makalat si hubby, malinis si wifey

DREW Arellano and Iya Villania

TEN years or so ang boyfriend-girlfriend relationship nina Drew Arellano at Iya Villania bago sila nagpakasal. Kaya anila, wala silang major adjustments noong naging mag-asawa na sila.

Ibinuking ni Iya na makalat sa bahay ang kanyang husband. Gano’n na raw talaga si Drew kahit noong binata pa ito.

“When I go to his place, nakikita ko na ang mga kalat niya. Kaya, hindi na ako nasorpresa noong naging mag-asawa na kami (laughs),” ani Iya.

Ang nadiskubre niya kay Drew noong mag-asawa na sila’y mahilig itong magluto. Nadiskubre naman ni Drew na malinis sa bahay ang kanyang wife. “She’s very patient and caring wife. Medyo sensitive nga lang siya ngayong pregnant siya,” saad ni Drew.

They cook together at minsan, nagluluto si Iya ng breakfast for Drew. “I appreciate it whatever she cooks for me,” sabi ni Drew.

Magkasama ang mag-asawa sa isang cooking show, “Home Foodie Season 2” at ayon kay Drew, simula ito ng culinary journey ng kanyang wife. “She’s exploring at marami siyang natututunan sa kitchen,” ani Drew. Hatid ng San Miguel Purefoods, mapapanood ang “Home Foodie Season 2” Monday to Friday simula sa June 13 pagkatapos ng “Unang Hirit” sa GMA7.

comments