Home » News » Obrero patay nang mabagsakan ng pader

Obrero patay nang mabagsakan ng pader

Patay ang isang construction worker nang mabagsakan ng pader sa isang construction site sa Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Ruben Mateo, 42, ng Barangay Ususan, Taguig City.

Ayon sa salaysay ng kasamahan ng biktima, biglang gumuho ang pader malapit kay Mateo habang siya ay nagtatrabaho.

Nabagsakan ang biktima ng pader at nawalan ng malay. Kaagad itinakbo sa ospital si Mateo kung saan siya binawian ng buhay dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo at sugat sa katawan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments