Home » News » Basurero dedo sa kalsada

Basurero dedo sa kalsada

Natagpuang patay ang isang basurero sa isang kalsada sa Quezon City noong Huwebes. Nakilala ang biktima sa pangalang “Tatay Waray,” tinatayang nasa 55 hanggang 60 taong gulang, may tangkad na 4’10”, at nakasuot ng brown T-shirt at itim na shorts.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may hawak ng kaso, aayain sana ng kakilalang si Jane Magno ang biktima upang uminom. Nakita ni Magno ang biktima sa harap ng isang beauty salon sa Kamuning Road at sinubukang gisingin.

Hindi nagising ang biktima, dahilan upang humingi ng tulong si Magno sa mga otoridad. Walang nakitang anumang sugat o bali sa katawan ng biktima. Dinala ang bangkay ng biktima sa Light Funeral Homes sa Quezon City upang suriin. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments