Home » News » Bata nalunod sa ilog ng Cavite

Bata nalunod sa ilog ng Cavite

IMUS, Cavite – Isang 10-taong gulang na lalaki ang nalunod Huwebes ng hapon sa isang ilog sa Tulay Bitin, Barangay Alapan II-B, ng lungsod na ito.

Kinilala ni Superintendent Redrico Atienza Maranan, city police chief, ang biktima na si Holyver Wayne Jule, isang grade school pupil at residente ng Block 4, Lot 24, Phase B-Lagian I, Barangay Carsadang Bago, Imus.

Wala nang buhay si Jule nang makuha sa ilog ng mga sumaklolong residente. Ayon sa paunang pagsisiyasat, nalunod si Jule matapos na tumalon siya sa malaim na parte ng ilog habang nakiki-pagsaya sa mga kaibigan na kasama niyang lumangoy sa ilog bandang 2:30 pm, Huwebes. (Anthony Giron)

comments