Home » Entertainment » Sheena Halili designs bags on the side

Sheena Halili designs bags on the side

11sheena halili copy copy

HABANG wala pa raw matatawag na boyfriend ang Kapuso actress na si Sheena Halili, naisipan muna nitong magtayo ng negosyo at doon muna maging productive.

Nagtayo si Sheena, kasama ang isang kaibigan, ng isang bag business na tinawag nilang Beni_sac.

Si Sheena raw ang nagde-design ng mga bags at mina-market nila ito via social media.

“Wala pa naman kaming boutique or store para sa mga bags. Pero may social media account kami for it.

“May sariling Instagram ’yung Beni_sac para doon nila makita ’yung mga designs at mga type of bags na ino-offer namin.

“Iba-iba siya depende sa paggagamitan. May purses, may shoulder bags, may overnight bags… basta kumpleto siya,” sey pa ni Sheena.

Last year nga raw sinimulan ni Sheena ang business na ito kasama ang kanyang best friend. Naisip daw nilang magnegosyo dahil may gustong mga gawin si Sheena na labas naman daw sa showbiz.

“Since wala naman akong jowa, eh di mag-business na lang para maging productive ako.

“Noon pa naman ako mahilig na magnegosyo, pero gusto ko ’yung mag-e-enjoy ako at lalabas ang creativity ko.

“Kaya mga bags ang naisip namin ng friend ko.

“Since mahilig ako sa iba’t ibang bags, bakit hindi ako mag-design ng bags na kasing-ganda ng mga binibili, ’di ba?

“Nakakatuwa naman kasi kahit na via social media lang kami, marami kaming natatanggap na orders. Mostly galing pa sa ibang bansa.

“Last year, ang daming orders kaya nagdagdag na kami ng mga tauhan.

“Next naman na gagawin namin ay mga accessories at shoes. Para matching sa mga bags na dine-design ko,” ngiti pa niya.

Gawa nga raw sa pure leather ang mga bags na binebenta nila kaya may kamahalan. Pero magandang investment daw ito dahil magagamit ito sa matagal na panahon.

“Compared naman sa mga designer bags, medyo mura na kami.

“Pero kung quality ang pag-uusapan, I can assure everyone na pure leather kami.

“Mas matagal na magagamit ito at habang nagiging luma siya, mas gumaganda ang leather. Matibay talaga, promise!”

Wala rin daw time si Sheena na mag-entertain ng mga manliligaw kung saka-sakali dahil bukod sa kanyang business ay abala rin siya sa kanyang mga shows sa GMA-7 na “Poor Señorita” at “Laff, Camera, Action.” (RUEL J. MENDOZA)

comments