Home » News » Trabahador nalunod

Trabahador nalunod

Nalunod umano ang isang lasing na 28 taong gulang na trabahador sa San Juan River sa Sta. Mesa, Manila noong Huwebes.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Dandito Paterno Jr. Ayon kay SPO2 Donald Panaligan ng homicide section ng MPD, may hawak ng kaso, nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kasamahan bago ang insidente.

Umalis ang biktima at huling nakitang pagala-gala sa isang construction site. Hinanap ang biktima nang hindi ito makita ng kanyang mga kasamahan at natagpuang lumulutang sa ilog.

Hinala ng mga otoridad na inakyat ng biktima ang pader na bakod ng kalsada sa ilog at nahulog dahil sa sobrang kalasingan. Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Parlor upang suriin. (Jenny F. Manongdo)

comments