Home » News » Yaya ginahasa, amo ninakawan

Yaya ginahasa, amo ninakawan

Ginahasa umano ang isang yaya habang ninakawan ng isang lalaki ang bahay ng kanyang amo sa Barangay Pasong Putik, Quezon City noong Miyerkules ng madaling araw.

Ang suspek ay tinatayang nasa 30 taong gulang, may tangkad na 5’0” hanggang 5’2”, katamtaman ang kulay, maliit ang katawan, at nakasuot ng bonnet, itim na sweatshirt, at shorts pants.

Ayon kay Supt. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District Station 5, tulog ang biktima kasama ng kanyang alaga sa sala nang pumasok ang suspek.

Tinutukan ng patalim ng suspek ang biktima at pinagbantaang papatayin. Tinalian ang mga kamay at tinakpan ng packaging tape ang bibig ng biktima at ginahasa ng suspek sa ikalawang palapag ng bahay.

Ninakawan ang bahay ng amo ng biktima ng ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit P40,000 at tumakas pagkatapos.

Pumasok ang suspek sa bintana ng banyo sa ikalawang palapag. Positibong ginahasa ang biktima ayon sa pagsusuri ng QCPD Crime Laboratory. (Francis T. Wakefield)

comments