Home » News » 2 babae utas sa aksidente

2 babae utas sa aksidente

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS CITY, Cavite – Isang matandang babae at isang dalagita ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa Carmona at Kawit na parehong bayan ng Cavite.

Kinilala ang batang biktima na si Karen Aldana Panganiban, 17-anyos at residente ng Sta. Rosa City, Laguna habang ang ikalawang biktima ay nakilalang si Benita Sarona Omboy, 73-anyos na taga-Kawit.

Ayon kay case investigator PO3 Marlon I. Ramirez, dead on arrival si Panganiban nang sumalpok ang minamanehong nitong motorsiklo sa isang puno ng balete kahapon ng umaga matapos itong dumaan sa isang convenience store kasama ang tatlo pa.

Nakaligtas naman nang walang galos ang naka-angkas kay Panganiban na sina Mary May Estrella Baya, 16-anyos; Lalaine Ramos, 17-anyos, at kapatid nito na si Lorie Lyn Ramos, 15-anyos.

Samantala, aksidenteng nabangga si Omboy ng isang Daewoo truck na may plakang TYW 855 habang papatawid ito ng Tirona Highway Biyernes ng hapon. (Anthony Giron)

comments